Saturday, December 5, 2015

Las Islas Filipinas (Script Writing_



Mga Tauhan:
Mateo Roxas – sundalong AFP
Abdul Alim – kasapi ng MILF
Heneral Basillo – pinuno ng pangkat ni Mateo

Act 1 Scene 1
Eksena: Isang gabi sa isang liblib na lugar sa Zamboanga, naghahanda ang pangkat ng mga sundalong AFP sa pagsabak sa giyera laban sa MILF.
Heneral Basillo: Ihanda niyo ang sarili niyo sa magaganap na laban mamayang madaling araw.                              ‘Wag na wag kayong magpapakita ng awa. Protektahan niyo ang inyong mga                                  sarili. Nandito tayo para protektahan ang ating bansa laban sa banta ng mga                                   terorista! Laging niyong tandaan yan at gawin niyo itong motibasyon! Ngayon                                        ay gagawa tayo ng plano!
(Gumagawa ng plano ang mga kasapi sa pagpupulong)
Heneral Basillo: Gutierrez, Cruz, Reyes, doon kayo sa may batis. Kayo ang magiging bantay.                                Siguraduhin ninyong maaalarma tayo kaagad sa oras na sila ay magsimulang                                  umatake.
Mga sundalo: Sir, yes, sir!
Heneral Basillo: Kayo naman, Santiago, Quezon, Madrigal, Roxas at Dimasilungan, kayo ang                                 unang aatake!
(Patuloy na nagtatalaga ng mga posisyon si Heneral Basillo)
Heneral Basillo: ‘Wag niyong kalilimutan ang inyong mga posisyon! Tapos na ang pagpupulong.                  Gawin niyo na ang dapat niyong gawin sa paghahanda.
Mga sundalo: Masusunod po, Heneral.

Act 1 Scene 2
Eksena: Ang digmaan ay nagsisimula na. Pumunta na ang mga sundalo sa posisyong nakaatas sa kanila.
(Mga pagpuputok ng baril, tunog ng giyera)
Roxas: (Nag-iisip) (Isang bala lamang, mauuwi sa kabiguan ang lahat. Hindi ko bibiguin ang                     aking bayan, kinakailang matapos ang giyera na ito nang kakaunti ang mga sawi. Ang   aming mga pamilya ay nag-aantay sa aming mga sari-sariling tahanan. Mahal ko ang    bayan ko at ito ay gagawin ko para sa kanila, para sa ikabubuti ng nakararami.)
(Nagpatuloy ang barilan sa giyera)

Act 1 Scene 3
(Matapos ang labanan, may nakita si Roxas na tumatakbong kalaban. Hinabol niya ito.)
Roxas: (hinahabol ang kalaban) Hoy! Bumalik ka dito!
(Nahuli na ni Roxas ang kalaban ngunit ito ay pumapalag)
Roxas: (tinutok ang baril sa sentido ng kalaban) Wag ka ng pumalag kundi babarilin kita.
(Tinanggal ni Roxas ang takip sa mukha ng kalaban)
Roxas: A-ab-abdul, ikaw ba ‘yan?
Abdul: Wag mo kong patayin! Ginagawa ko lang ito para sa karapatan naming mga muslim!                           Roxas: Kung pinaglalaban niyo lamang ang inyong karapatan, bakit niyo pa kailangang          
            pumatay? Bakit mo kailangang manindigan sa mga bagay na alam mong hindi naman          
            tama?
Abdul: Hindi ba’t nasa iisang bayan lang tayo? Bakit hindi napapkita ang pagkakapantay-pantay
           nating mga kristiyano’t muslim?
(napagtanto ng dalawa ang kani-kanilang opinion)
Roxas: Pasensiya na, hindi naging bukas ang aking isipan sa mga nangyayari.
Abdul: Maging ako’y nabulag sa kagustuhan kong makamit ang pagkakapantay-pantay
Roxas: Sana’y manumbalik ang magandang pakikitungo sa pagitan ng ating mga relihiyon tulad
            ng pagkakaibigan natin.
Dimasilungan: Naroon ang nakatakas na muslim!
Madrigal: Barilin ang lapastangan!
(putok ng baril, niligtas ni Roxas si Abdul mula sa bala)
Roxas: (dahan-dahang bumagsak sa lupa)
Abdul: (kinuha ang baril ni Roxas at tumakas)
Act 1 Scene 4
Eksena: Nakatakas si Abdul mula sa mga sundalong AFP. Nagtago siya sa ilalim ng puno ng balete
Abdul: (hawak ang baril ni Roxas) Ito nalang ang tangi kong ala-ala mula sa aking matalik na    
            kaibigan. Hindi ko na siya muling makikita. Bakit kung kalian muli kaming nagkita ay
            saka siya nawala? (tumungo)
(Nililinis niya ang baril ng kaibigan nang bigla niyang nakalabit ang gatilyo nito. Ito pala’y nakatutok sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.)
Abdul: Ay, leche!


No comments:

Post a Comment